Sendong

All posts tagged Sendong

Biktima ni Sendong

Published Enero 16, 2012 by jptan2012

Mayroon na rin isang buwan nang ginimbal tayo ng trahedya na dulot ni Sendong. However, the sad thing is matagal pa ang recovery ng mga apektadong lugar ng Cagayan de Ora at Iligan. Sabagay ang ilan parte nga ng Marikina ay hindi pa rin tuluyan nakakawala sa trahedya na dulot ni Ondoy.

Just this morning, while I was reading online news I came across a Yahoo! article that talks about how a couple continue to search for their 3 children. Wala akong anak pero may mga pamangkin ako kaya naman naiiintindihan ko ang sakit na nararamdaman nila. Iniisip ko hanggang kailan kaya magkakaroon ng pagasa ang mag asawa na makita pa ang mga anak nila? How will they mourn for them, if there’s no body to confirm that indeed they died sa trahedya na dulot ni Sendong? Should they mourn for them already? Paano kung isang araw bigla nalang nilang makita ang mga anak? This reminded me of a true story. Because of the Tsunami that was triggered by the Indonesian earthquake (2004 o 2006 ba yun? can’t really remember.) nawala ang isang batang babae sa mga magulang niya. Inakala ng nanay niyang patay na ang bata. Until they were reunited again last 2011.

 

Advertisements

Ang Kuwentong Ramdam ng Bawat Filipino: Ang Trahedya ni Sendong

Published Disyembre 18, 2011 by jptan2012

Minsan mayroon mga kuwentong hindi na kayang isulat ninoman….

Dahil ang larawan ay sapat na para iparamdam sayo ang sakit na pinagdadaanan ng mga taong pumapalibot sa kuwento…

Minsan, ayaw na natin kilanganin alamin ang puno’t dulo ng kuwento….ang karakter ng mga katauhan na bumubuo ng kuwento…dahil ang sakit ng larawan ay sapat na para maki-dalamhati tayo….

Ang trahedya ni Sendong….ay isang kuwentong ramdam ng bawat Filipino….

BABALA: Ang mga susunod na litrato ay medyo maselan….

Ang huling larawan na ito ang pinaka-iniyakan ko. Binuhay nito ang isang alaala na gusto ko nang kalimutan. Pero ibang panahon yun nangyari…ibang kuwento….

Alam kong hindi ko na kailangan hingin pa ang tulong niyo sa pagdarasal….kahit sinong makakita nito ay kusang magdarasal. Kung kaya natin…kahit konti lang…bukod sa dasal…magpadala tayo ng tulong.

%d bloggers like this: