Pagtatae, 2nd Leading Cause of Child Death!

Published Enero 12, 2012 by jptan2012

Takot na takot tayong lahat sa dengue kasi alam natin nakakamatay ito. Kaya naman ang mga magulang eh ingat na ingat na hindi makagat ng lamok angmga anak nila dahil takot silang magka dengue ang mga ito.

Pero diarrhea o pagtatae pala ang 2nd leading cause of death of kids below 5 years old. Sa katunayan nga raw eh araw-araw 13 Filipinong bata ang namamatay dahil sa diarrhea na kadalasan daw at dulot ng virus na ang tawag eh rotavirus.

Pero ang magandang balita, ang rotavirus daw ay highly preventable dahil sa vaccine. Lahat ng baby from 6 weeks to 14 weeks old ay pwedeng magpa vaccine. Ang magandang balita eh ang Pilipinas daw ang kauna-unahang bansa sa SouthEast Asia ang magsasali ng rotavirus vaccine sa National Immunization Program.

Ayon kay Sec. Enrique Ona, nasa proseso na raw sila ng pagprocure ng vaccines. Dalawa raw ang vaccine na available sa publiko ngayon kaya may bidding na magaganap. Pero may nagtanong sa media kung ano ang pagkakaiba ng dalawang vaccine, ang naisagot lang ng assistant secretary ni Sec. Ona eh yun isa raw two doses at yun isa eh 3 doses.

Base sa akin research, mas matagal maging epektibo yun 3 doses kasi nga kailangan umabot na muna ng 3 doses bago magkaroon ng full immunity ang bata, so parang mas maganda yun 2 doses lang. Bakit hindi kaya yun nalang ang kunin ng DOH?

Base rin sa akin research sa web, yun 2 doses ay tinatawag na Rotarix at yun 3 doses ay tinatawag na Rotatech. Bakit kaya hindi nalang ginawa ng Rotatech na maging 2 doses na rin lang sila?

Pero hindi na natin masasagot yan dahil hindi naman tayo doctor. Pero ang mahalaga may protection na ang mga Filipinong bata sa sakit na ito.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: