NAGTATANONG LANG…(5)

Published Enero 10, 2012 by jptan2012

Medyo mahabang tanong itong itatanong ko ngayon.

Pero nagtatanong lang ako, may karapatan ba ang isang media person na makialam sa organizers ng event kung paano ang set-up ng presscon? Sa tingin ko pwede mag suggest, pero para sigawan at bastusin ang mga organizers at mga doctor dahil hindi nasunod ang gusto ng isang taga-media…eh tama pa ba yun?

Asking this because of something I witnessed earlier.

We were invited to attend an event of DOH. May mahalagang i-a-announce daw ang health secretary.

Habang naghihintay sa funtion room ng isang hotel sa Tagaytay kung saan gaganapin ang presscon eh may biglang dumating na lalaki(A) at kinusap pa ang isa pang lalaki(B) na mukhang isa sa mga organizers. Ayon kay A maglagay daw ng lamesa para may magamit ang mga media. Ayon naman kay B maliit ang lugar at medyo masikip kung maglalagay pa ng lamesa. Dagdag pa ni B sinubukan nilang maghanap ng ibang function room pero wala na silang makuha at nahihiya raw siya na baka masikipan ang media pati na rin ang mga staff ni Sec. Enrique Ona.

Medyo nagpumilit si A, at inulit naman ni B tsaka ng kasama niyang doktor (Dr. P) na magagahol na sa oras tsaka mas magiging masikip. Pero bigla nalang may sumingit na matandang lalaki(C) na payat na may pagka effeminate. Mataray at medyo mataas na boses nitong sinabing dapat maglagay ng lamesa. Halatang nagulat si B, si Dr. P at ibang organizers. Kahit nga ako na nakikiusi lang eh medyo nagulat. Sabay sabi pa ni C-I’VE BEEN INDUSTRY FOR 20 YEARS, AND THE MEDIA NEEDS A TABLE. WITHOUT A TABLE IS LIKE ASKING A SURGEON TO DO SURGERY WITHOUT THE SURGICAL TOOLS-Take note ha, nakasigaw siya.

To the credit of B and Dr. P and the other organizers, hindi na nila pinatulan. Sabi nalang ni B na sige maglagay na ng lamesa kahit isa lang. Sabay sambat naman ni C na-NO! ALL ROWS SHOULD HAVE A TABLE!

Dito medyo napikon na siguro si Dr. P dahil sa kakasigaw ni C. Humarap si Dr. P kay B at mahinahon na sinabi (pero halatang may konting tension) na – SIGE B, OK NA MAGLAGAY NA TAYO.

Mayroon pa isang babaeng bata bata ang lumapit kay B at sinabing -SIGE MAGLAGAY NA TAYO.

Pero hindi pa na kuntento si C at sinabing-LET ME EXPLAIN. Pero pasigaw pa rin siya. Si B naman, who is obviously trying to ease the tension said in a very nice way while smiling. – THERE’S NO NEED TO EXPLAIN, WE UNDERSTAND. SORRY FOR THE HASSLE.

Pero kahit na obviously eh ‘nakikipagbati’ na kay C si B sumigaw pa rin si C na-NO! I WANT TO EXPLAIN!-ginawa niya ito ng pasigaw pa rin at may halong paghahampas sa upuan na nasa tabi niya.

Tumahimik na si B, si Dr. P naman eh lumabas na. Paliwanag ni C-PROTOCOL NA DAPAT LAGING MAY LAMESA KASI MAY MGA COMPUTER DAW ANG MEDIA KAILANGAN MAPATUNGAN.-pagkasabi niya nun, sabay walk out siya.

May lumapit na babae kay B at sinabing taga-DOH yata yun eh.

Naawa ako kay B at sa ibang organizers kasi nga feeling ko they were just thinking about the convenience of the media. Whether they’re right in their decision or not, it should be noted that pumayag naman na sila, parang hindi naman na kailangan na sigaw sigawan pa sila. Tsaka using the “20 years in the business” phrase is usually use, at least, in my perception, by unsuccessful, insecure people na hindi pinapakinggan.

Actually, paglabas ni C, sumabat ang isang media from one of the major braodsheet in the country at sinabing-HINDI NAMAN NA KAILANGAN NG TABLE, I DON’T UNDERSTAND WHY HE HAS TO INSIST ON IT.

When the presscon started, si C eh hindi pala taga DOH, media pala siya. He introduced himself as Ibarra Mateo a contributor of Vera Files and Yahoo! News. So media pala siya.

Doon ako napatanong. Kung taga DOH siya gaya ng unang inikala ng mga organizers eh maiiintindihan ko na baka ayaw niyang mahirapan ang media kaya he insisted on his set-up. Akala kasi nila B eh DOH media relations officer siya. Pero kung taga media pala siya, does he really have the right to have a say on the set-up? Maybe he can make suggestions but does he have the right to throw a tantrum shout at the organizers and use his ‘power’ as media to do this?

Parang abusado lang siya.

Tsaka gusto ko rin sana siyang tanungin. Parang wala akong nakikitang media na nasa presscon na may dalang laptop. In fact, kahit may space pa sa lamesa, a number of the media still opted to stay behind kung saan walang lamesa.

Besides, after the event nakita ko si B na lumapit kay C na by this time kilala ko na bilang si Ibarra Mateo. Nag sorry si B kay C, pero tinalikuran lang ito ni C.

Balita ko pa hinanap ni C ang superior ni B para magsumbong pa. Pero mali nga lang daw yun nalapitan niya kasi walang control yun nilapitan niya over the event.

Again, parang mali lang na gamitin ng isang taga-media ang pagka-media niya para manigaw at makialam sa event. Mag suggest ok pero sa ginawa ni C mukhang kailangan siya lang ang masunod.

Some people may need the media to bring out worthy information, but is it ok for some media people to abuse this power?

Nagtatanong lang…

If Mr. Ibarra Mateo gets to read this he has the power to use his gift and fluency in writing to write his defense. Pero for us who were there can’t help but feel sorry for B, Dr. P and other organizers because at that time there’s one media person, who ‘has been in the business for 20 years’, who abused his power and status as a media person. He may or may not have not done this intentionally. But whatever the case may be we got an glimpse of his personality and character.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: