Imbakan

All posts for the month Disyembre, 2011

Nagtatanong lang….(1)

Published Disyembre 26, 2011 by jptan2012

Alam ba ng mga taong naka iPad o Samsung Galaxy Tab na kapag ginagamit nila ang mga gadgets na ito bilang camera sa isang public place ay mukha silang tanga? Sabagay sobra na silang high tech, kasi ang camera nila may picture frame na rin.

Nagtatanong lang po.

 

Advertisements

Ang Kuwentong Ramdam ng Bawat Filipino: Ang Trahedya ni Sendong

Published Disyembre 18, 2011 by jptan2012

Minsan mayroon mga kuwentong hindi na kayang isulat ninoman….

Dahil ang larawan ay sapat na para iparamdam sayo ang sakit na pinagdadaanan ng mga taong pumapalibot sa kuwento…

Minsan, ayaw na natin kilanganin alamin ang puno’t dulo ng kuwento….ang karakter ng mga katauhan na bumubuo ng kuwento…dahil ang sakit ng larawan ay sapat na para maki-dalamhati tayo….

Ang trahedya ni Sendong….ay isang kuwentong ramdam ng bawat Filipino….

BABALA: Ang mga susunod na litrato ay medyo maselan….

Ang huling larawan na ito ang pinaka-iniyakan ko. Binuhay nito ang isang alaala na gusto ko nang kalimutan. Pero ibang panahon yun nangyari…ibang kuwento….

Alam kong hindi ko na kailangan hingin pa ang tulong niyo sa pagdarasal….kahit sinong makakita nito ay kusang magdarasal. Kung kaya natin…kahit konti lang…bukod sa dasal…magpadala tayo ng tulong.

Ang Batang Nawala ni Nanay at ni Tiyong John!

Published Disyembre 14, 2011 by jptan2012

Medyo mahaba ang pila, pero hindi naman kainitan dahil malaming ang aircon ng Landmark sa may Trinoma.
Kahit magpapasko na eh hindi pa ako nakakabili ng regalo, pero hindi yun ang dahilan bakit ako nakapila, nakapila ako dahil sa bumili ako ng deodorant ko. Ngunit ang kuwentong ito ay hindi tungkol sa akin…ito ay tungkol sa batang nawala ng nanay niya at ng kanyang tiyuhin.

Hindi ko alam ang pangalan ng batang ito…pero babae siya at tawagin nalang natin siyang si Amapola. Bakit Amapola? Yun kasi ang pangalan ng karakter sa huling libro ni Ricky Lee na may pamagat na -SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA. Nahihirapan na rin akong mag isip ng pangalan at dahil ini-idolo ko si Ricky Lee, yun nalang ang gamiting nating pangalan ng batang ito.

Ito ang kuwento niya…

Ganda ng Barbie….
Payag kaya si Nanay na bumili ako niyan?
Sabihin ko kaya o hinde?
Kaso baka mapalo na naman ako. Mabait naman si Nanay eh, minsan lang wala ako sa lugar, mali ang tiyempo ko. Dapat kasi inaalam ko na muna kung walang problema si Nanay.
Siguro pwede kong hingiin na bili ako Barbie, kasi nandito naman si Tiyong John, eh lagi naman siyang masaya at malamig ang ulo kapag kasama si Tiyong John.
Basta huwag lang daw ipaalam kay Tatay na sa bahay si Tiyong John natutulog.
NAY, PWEDE PO BA NIYO AKO IBILI NG BARBIE? NAY… NAY….
Nasaan na siya tsaka si Nanay?!
Si Tiyong John nasaan na rin?
Naku, baka nalaman ni Nanay na pabibili ako ng Barbie! Baka nagalit siya dahil dito.
SIGE PAG NAGALIT ANG NANAY MO SAYO DAHIL INAAWAY MO AKO ITATAPON KA NALANG NIYA!
Naku baka ito ang sinasabi ni Tiyong John….
SANA MAWALA KA NA SA BUHAY MO!
ARAY PO NAY! MASAKIT PO. PATAWAD NA PO….HINDI NA PO AKO BIBILI NG CANDY. AKALA KO LANG PO KASI OK LANG PO EH….SI TATAY PO KASI PUMAPAYAG!
MALANDI KANG BATA KA! PUWES WALA ANG TATAY MO NGAYON! AT SI TIYONG JOHN MO ANG MASUSUNOD! KAYA KUNG NAGPABILI SIYA NG SIGARILYO HUWAG MONG GASTUSIN ANG PERA PARA SA SIGARILYO MO!
PATAWAD NA PO….KASI SI TATAY…
PUNYETA! WALA ANG TATAY MO! NASA SAUDI….PERO HUWAG NA HUWAG KA RIN MAGTATANGKANG MAGSUMBONG PAGDATING NIYA DAHIL HUMANDA KA SA AKIN BATA KA….ITATAPON KITA!

Tumutog ang isang alarm upang tumawag nang pansin na may announcement. Nakapila pa rin ako sa counter, ay nasa tabi ko ang isang babaeng nasa 40’s na siguro…o pwede rin naman late 30’s pero mukhang matanda lang….kasama naman niya ang isang lalaking may itsura at bata pa…siguro mga 25 to 27 years old.
CALLING THE ATTENTION OF THE PARENTS OF A LOST GIRL WEARING PINK SHIRT AND GREEN PANTS. PLEASE….
Biglang sabi ng lalaking gwapo doon sa babaeng matanda – TEKA ANAK MO YATA YUN.
Nagulat ang babaeng matanda – AY! NASAAN NA BA ANG BATANG YUN! OO NGA SIYA NGA! ANO KA BA NAMAN JOHN, BAKIT HINDI MO BINANTAYAN?!!!
ANAK MO YUN NOH! IKAW MAG BANTAY!
Hindi ko nakita ang bata, alam ko lang ang damit niya kasi yun ang naka announce sa PA system. Hindi ko rin alam ang buong kuwento niya, gawa-gawa ko lang yun sinulat ko dito. Pero ang totoo ay nasa Landmark ako, nakapila, katabi ang babaeng nasa 40s na o 30s pero baka mukhang matanda lang, at ang lalaking gwapo na mukhang nasa mid 20s lang, tapos biglang may nag announce tungkol sa batang nawawala na naka pink shirt at green short pants…tapos nalaman na nung dalawang katabi ko na yun kasama nilang bata ang batang tinutukoy sa page.

Hello Mundo!

Published Disyembre 11, 2011 by jptan2012

Ito ang una kong blog post, at dapat siguro isang malalim at interesting na topic ang maisulat ko. Pero paano minsan may kababawan talaga akong tao, at ngayon pa tumama ang pagkakataon na yun?

Dapat bang hintayin ko naganahan ako tsaka magsulat ulit?

Anyway, kung tinatanong niyo kung bakit-SANA AKO SI RICKY LEE!-ang title ng blog ko eh malamang mas bihira niyo pa gamitin ang utak niyo kaysa sa akin. Kasi di ba obvious naman? Kung ko maging kagaya si Ricky Lee! OA naman kasi kung sasagarin ko at sasabihin kong gusto ko ako si Ricky Lee! Masaya naman kasi ako sa buhay ko….hmmm….oh well….siguro may halong konting pagsisinungaling yun, pero the truth is ok naman ako. Ang kulang lang ay sana mas madami akong pera, may partner ako buhay, at sana mas matalino ako, mas maganda ang pangangatawan at hidni overweight, at sana ako si Ricky Lee!

Bata pa kasi ako hilig ko nang magsulat. Kaso ang problema 4 languages ang alam ko ngayon – Mandarin, Fookien, Filipino at Ingles- ay apat pala yun. Anyway, sa dami kong pinagaaralan lengwahe nung bata pa ako at dahil na rin siguro hindi naman ako gifted child dahil parang wala pang Promil yun bata ako eh ayun, wala ako na master na lengwahe. Hanggang ngayon nga eh gulong gulo pa rin ako sa tuwing kailan gagamitin ang NG at NANG.

Bakit ba sana ako si Ricky Lee? Kasi gusto ko ang mga istoryang sinulat niya, siyempre karamihan nun ay sa pekilula, pero yun nagsimula siyang magsulat ng nobela at umibig din ako sa mga nobelang ito. Sana ako si Ricky Lee para ganyan din ang mga librong masusulat ko. Walang rules. Akala ng reader ay alam na niya ang mangyayari at ang rhythm pero biglang mababago.

Sa katunayan, yun binasa ko yun unang libro niya na – PARA KAY B – eh natakot akong umibig ulit, pero parang sira ako na at the same time ginusto kong umibig ulit. Nalungkot nga ako eh kasi wala akong lovelife. Anyway, ibang kuwento na naman yan tungkol sa love life na yan. At kahapon, yun binasa inumpisahan at tinapos ko ang pangalawang nobela ni Ricky Lee na – SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA – eh muli na naman nabuhay at nagliyab ang apoy ng aking pagnanasa na makapagsulat. Pero sa totoo lang, ngayon eh kinalimutan ko na ang pangarap kong makapagsulat ng libro o ng pelikula…blog nalang muna.

Pero sana ma-channel kong ispiritu ni Ricky Lee sa pagsusulat sa blog na ito. Pero…teka ang dami ko na yatang pero….ngunit nalang…. Ngunit hindi ko sinasabi na magiging kasing galing ko si Ricky Lee, at akin lang eh pareho niya, gusto kong magsulat ng kuwento.

Ano ba isusulat ko? Sa ngayon, kahit anong gusto ko. Take note of the operative word ha…gusto ko….two words pala. O basta yun. Alam kong taliwas ito sa idea ng blog na dapat ang nakakabasa eh ang madla. Eh kaso ganun talaga ako minsan krung krung.

Anyway, sana kahit mayabang ako eh basahin niyo pa rin pero kundi naman eh keribels na rin.

Hanggang sa muling post ko ng blog!

%d bloggers like this: