Chef Laudico’s Casa Filipino

Published Disyembre 31, 2011 by jptan2012

Kadalasan, ang pamilya namin ay pumupunta sa bahay namin sa Tagaytay upang doon mag palipas ng New Year’s Eve. Dito kasi sa Manila masyadong maingay at polluted. Pero this year, dahil sa ilang bagay hindi kami nakapunta ng Tagaytay. Kaya naman nag food trip nalang kami ngayon gabi. Tinuro ng bunso namin kapatid ang Casa Filipino. Pagaari raw ito ni Chef Rolando Laudico at 500 pesos lang daw bawat tao. Medyo na curious ako, feeling ko kasi parang walang makakain na masarap buffet na worth 500 pesos. Pero at the same time, feeling ko kung kay Chef Laudico ito dapat medyo ok siya di ba? Kasi sikat na chef siya.

Anyway, pumunta kami at nagulat ako sa laki ng lugar. Very homey siya….kasi nga lumang bahay yun restaurant.

Medyo nahiya lang ako kumuha ng picture kaya nag search nalang ako sa internet ng picture na siya rin gagamitin ko para sa post na ito. Lahat ng litrato dito ay galing sa blog na SUSHIBYTES.

Para sa halagang 488 pesos may masarap ka nang weekend dinner buffet. May kasama na itong Roast Beef, Balamban Liempo, at Lechon…

Masarap ang Roast Beef, Lechon, at Balamban Liempo kahit walang sauce. Pero feeling ko medyo matabang ang mga sauce nila parang walang masyadong lasa considering na sarsa yun, pero ok pa rin kasi the meat are good on its own. Hindi mo na talaga kailangan ng sauce.

Roast Beef, Balamban Liempo, walang litrato ng Lechon dito pero masarap at malambot ang Lechon sa Casa Filipino.

Sana mas madaming tuwalya ang Kare-Kare pero mas marami silang nilagay na real meat. Pero nagulat ako at malaman ang Kare-Kare, hindi sila nagtipid ng sangkap. the bagoong is also really good.

Casa Filipino's Kare-Kare is full of 'real' meat. Hindi masyado madami ang tuwalya, buntot. Pero, ganunpaman, masarap siya at hindi sila nagtipid sa paglagay ng sahog.

Dahil nag di-diet ako, hindi na ako masyado kumakain ng carbs. Pero hindi ko naiwasan tikman ang kakaibang pasta na ito…

TUYONESCA...Masarap siya at talagang kakaiba.

Pero ang pinaka tumawag ng aking pansin ay ang Adobo nila sa Casa Filipino. Adobo, any kind of adobo at that, is my favorite food. Kahit pa adobong kangkong lang yan. Pero because its my favorite food, pag sinusubukan ko ito sa restaurant, ang basehan ko kung masarap at worth it ay dapat may kakaiba dito at talang masasarapan ako.

Ang chicken adobo nila ay talagang nilampasan ang akin panlasa. Ang sarap niya…at sa ngayon ito na ang favorite adobo ko…

Chicken Adobo Pepper Sauce....Kakaiba siya! Masarap talaga.

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: