Hello Mundo!

Published Disyembre 11, 2011 by jptan2012

Ito ang una kong blog post, at dapat siguro isang malalim at interesting na topic ang maisulat ko. Pero paano minsan may kababawan talaga akong tao, at ngayon pa tumama ang pagkakataon na yun?

Dapat bang hintayin ko naganahan ako tsaka magsulat ulit?

Anyway, kung tinatanong niyo kung bakit-SANA AKO SI RICKY LEE!-ang title ng blog ko eh malamang mas bihira niyo pa gamitin ang utak niyo kaysa sa akin. Kasi di ba obvious naman? Kung ko maging kagaya si Ricky Lee! OA naman kasi kung sasagarin ko at sasabihin kong gusto ko ako si Ricky Lee! Masaya naman kasi ako sa buhay ko….hmmm….oh well….siguro may halong konting pagsisinungaling yun, pero the truth is ok naman ako. Ang kulang lang ay sana mas madami akong pera, may partner ako buhay, at sana mas matalino ako, mas maganda ang pangangatawan at hidni overweight, at sana ako si Ricky Lee!

Bata pa kasi ako hilig ko nang magsulat. Kaso ang problema 4 languages ang alam ko ngayon – Mandarin, Fookien, Filipino at Ingles- ay apat pala yun. Anyway, sa dami kong pinagaaralan lengwahe nung bata pa ako at dahil na rin siguro hindi naman ako gifted child dahil parang wala pang Promil yun bata ako eh ayun, wala ako na master na lengwahe. Hanggang ngayon nga eh gulong gulo pa rin ako sa tuwing kailan gagamitin ang NG at NANG.

Bakit ba sana ako si Ricky Lee? Kasi gusto ko ang mga istoryang sinulat niya, siyempre karamihan nun ay sa pekilula, pero yun nagsimula siyang magsulat ng nobela at umibig din ako sa mga nobelang ito. Sana ako si Ricky Lee para ganyan din ang mga librong masusulat ko. Walang rules. Akala ng reader ay alam na niya ang mangyayari at ang rhythm pero biglang mababago.

Sa katunayan, yun binasa ko yun unang libro niya na – PARA KAY B – eh natakot akong umibig ulit, pero parang sira ako na at the same time ginusto kong umibig ulit. Nalungkot nga ako eh kasi wala akong lovelife. Anyway, ibang kuwento na naman yan tungkol sa love life na yan. At kahapon, yun binasa inumpisahan at tinapos ko ang pangalawang nobela ni Ricky Lee na – SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA – eh muli na naman nabuhay at nagliyab ang apoy ng aking pagnanasa na makapagsulat. Pero sa totoo lang, ngayon eh kinalimutan ko na ang pangarap kong makapagsulat ng libro o ng pelikula…blog nalang muna.

Pero sana ma-channel kong ispiritu ni Ricky Lee sa pagsusulat sa blog na ito. Pero…teka ang dami ko na yatang pero….ngunit nalang…. Ngunit hindi ko sinasabi na magiging kasing galing ko si Ricky Lee, at akin lang eh pareho niya, gusto kong magsulat ng kuwento.

Ano ba isusulat ko? Sa ngayon, kahit anong gusto ko. Take note of the operative word ha…gusto ko….two words pala. O basta yun. Alam kong taliwas ito sa idea ng blog na dapat ang nakakabasa eh ang madla. Eh kaso ganun talaga ako minsan krung krung.

Anyway, sana kahit mayabang ako eh basahin niyo pa rin pero kundi naman eh keribels na rin.

Hanggang sa muling post ko ng blog!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: