Kuwentuhan lang kita…

All posts in the Kuwentuhan lang kita… category

Gong Xi Fa Cai! Kong Hei Fat Choi!

Published January 23, 2012 by jptan2012

I just lighted some incense in a Chinese Buddhist temple to thank the Buddhas, Bodhisattvas, Deities, and Immortals for the year of the Metal Rabbit, also to pay homage and request for protection and blessing for the year of the Water Dragon.
But, technically, its not yet the year of the Water Dragon, not until 3:39PM later. Until then its still the year of the Metal Rabbit.

And if you believe in Feng Shui please do read the following posts:

2012 Year of the Water Dragon Essential Charms,

2012 Year of the Water Dragon Feng Shui Flying Star Forecast

Feng Shui Chinese Zodiac Forecast for 2012 Year of the Water Dragon Part 1 and Part 2.

Biktima ni Sendong

Published January 16, 2012 by jptan2012

Mayroon na rin isang buwan nang ginimbal tayo ng trahedya na dulot ni Sendong. However, the sad thing is matagal pa ang recovery ng mga apektadong lugar ng Cagayan de Ora at Iligan. Sabagay ang ilan parte nga ng Marikina ay hindi pa rin tuluyan nakakawala sa trahedya na dulot ni Ondoy.

Just this morning, while I was reading online news I came across a Yahoo! article that talks about how a couple continue to search for their 3 children. Wala akong anak pero may mga pamangkin ako kaya naman naiiintindihan ko ang sakit na nararamdaman nila. Iniisip ko hanggang kailan kaya magkakaroon ng pagasa ang mag asawa na makita pa ang mga anak nila? How will they mourn for them, if there’s no body to confirm that indeed they died sa trahedya na dulot ni Sendong? Should they mourn for them already? Paano kung isang araw bigla nalang nilang makita ang mga anak? This reminded me of a true story. Because of the Tsunami that was triggered by the Indonesian earthquake (2004 o 2006 ba yun? can’t really remember.) nawala ang isang batang babae sa mga magulang niya. Inakala ng nanay niyang patay na ang bata. Until they were reunited again last 2011.

 

D-Day for Chief Justice Renato Corona

Published January 16, 2012 by jptan2012

I’m feeling ambivalent towards the impeachment trial of Renato Corona. Naniniwala ako na justice should be served no matter who the are the personalities that are involved. Pero on the other hand, impeaching a Chief Justice, at least for me, might create judicial crisis. Madami na kasi ang hindi naniniwala sa justice system sa bansa, hindi kaya lumala pa ito dahil sa impeachment trial ng Chief Justice.

This is the very first impeachment trial of a chief justice in our country and I hope hindi siya pagmulan ng mas matinding crisis.

I will not pretend that I comprehend everything that has been thrown against Chief Justice Renato Corona, pero to be honest, base sa mga nababasa ko sa dyaryo, napapanood at naririnig sa news sa TV at radyo, there is really grounds to ‘discipline’ the Chief Justice. I’m just not sure whether an impeachment is the right course to do it. Pero, on the other hand, kung hindi impeachment ano? Given that calls for him to resign has not been heeded.

From a perspective of an ordinary citizen, dapat naman sa umpisa’t umpisa pa lang ay hindi na tinanggap ni Renato Corona ang position na pagiging Chief Justice. Considering he was appointed by an outgoing president who belongs to pa party which will be considered as minority in the new administration. Furthermore, the said party’s presidential candidate also didn’t make it as president. Add to the ‘manipulation’ is the fact, that it was one of the most tone downed oath taking. Medyo parang sikreto ang pagkakaganap. Para sa akin lang, kung nag iisip at may delikadesa ang Chief Justice sana doon pa lang eh tinanggihan na niya na ang position na yun.

Pero add to that pa that even before he became Chief Justice ay wala siya ni isang decision that went against GMA. Plus as Chief Justice parang ang dami niyang hinarang na desisyon that will negatively affect the former president’s position or of her ‘people’.

If the question is whether he deserves to be impeach, my answer to that is yes. I’m just saying na sana may ibang paraan pa.

 

Sudan Massacre!

Published January 7, 2012 by jptan2012

Kakabasa ko lang ng isang napakalungkot na Yahoo! article. It talks about the Sudan massacre where about 3.141 people were killed, not to mention, several more are still missing.At gaya ng karamihan ng karahasan, mga bata at babae ang pinaka-maraming na biktima.

At this time and age, its really hard to comprehend why so much ‘barbaric’ violence still happens, pero siguro ang mga ganitong totoong kuwento ay gumigising lang sa atin upang lagi nating matandaan na ang peace ay pinaghihirapan. We work for it. We always need to vigilant about our own actions and make sure that peace reigns.

Please do read more about it in Yahoo! and remember to say a little prayer for them, but more than that, in our own way let’s strive to make peace reign.

Ang Kontrobersyal na Dragon Stamp ng China

Published January 6, 2012 by jptan2012

Naging kontrobersiyal ang commemorative Dragon Stamp na inilabas ng China.

China's controversial Commemorative Dragon Stamp. It may look scary to some people but its design has good Feng Shui.

Ang dahilan? Dahil daw may mga matalim na ngipin daw ito…o pangil o fang. Ito ang major reason bakit madami ang pumuna at pumintas sa Year of the Dragon commemorative stamp.

May mga nagsabi na nakakatakot daw ang itsura ng Dragon sa nasabing stamp. Pero ipinagtanggol ito ng designer at sinabing binase niya ang itsura ng Dragon sa mga dragons na nakaburda sa mga royal outfit nung Qing Dynasty. Ang Qing Dynasty ay isa sa pinaka-progresibong dynasty o era sa Chinese history.

Dagdag pa ng designer na ang naging inspirasyon niya sa Dragon ay ang economic progress ng China kaya raw dapat the image should communicate ‘tough, powerful, and stern’.

Personally, at bilang isang taong may alam sa Feng Shui, maganda ang interpretation ng Dragon. Very progressive ang dating. In Taoism or Buddhism kasi, there are such things as wrathful gods. Hindi ibig sabihin nito galit sila, pero it only means na matapang at malakas ito. Usually ang mga wratful gods din ang god of wealth. In this case, very appropriate ang design. Dagdag pa diyan, walang fire element ang taon na ito, kaya maganda rin na ginawa niya itong red and not blue.

 

 

 

Si Tyron Perez…

Published December 30, 2011 by jptan2012

Nalungkot ako yun nabalitaan ko na nagpakamatay ang aktor na si Tyron Perez. Hindi dahil sa kilala ko siya o dahil sa artista siya, pero sa tingin ko kasi isa sa pinakamalungkot na dahilan ng pagkakamatay ng isang tao ay ang suicide. Lagi kong naiiisip kung ano ang pakiramdam ng isang taong mag-sui-suicide. I’m sure medyo sobrang depression at kalungkutan at kaguluhan ng pagiisip ang nararamdaman nito upang makuha nitong putulin ang sariling buhay.

I took the liberty of looking at Tyron’s Bazi or Four Pillars chart. He was born in the year of the Ox. Siyempre, hindi accurate ang reading na magagawa ko para sa kanya dahil sa wala ako nung birth hour niya, pero I can see why medyo problematic siya. Technically speaking, this year 2011 is a good year for Tyron, pero napansin ko na marami sa kanyang element ay wood, and this year being the year of the Metal Rabbit, pwede nga maging conflict sa kanya. Kung umabot lang sana si Tyron ng Jan. 10, 2012 everything could have turn out fine for him.

 

Ang Kuwentong Ramdam ng Bawat Filipino: Ang Trahedya ni Sendong

Published December 18, 2011 by jptan2012

Minsan mayroon mga kuwentong hindi na kayang isulat ninoman….

Dahil ang larawan ay sapat na para iparamdam sayo ang sakit na pinagdadaanan ng mga taong pumapalibot sa kuwento…

Minsan, ayaw na natin kilanganin alamin ang puno’t dulo ng kuwento….ang karakter ng mga katauhan na bumubuo ng kuwento…dahil ang sakit ng larawan ay sapat na para maki-dalamhati tayo….

Ang trahedya ni Sendong….ay isang kuwentong ramdam ng bawat Filipino….

BABALA: Ang mga susunod na litrato ay medyo maselan….

Ang huling larawan na ito ang pinaka-iniyakan ko. Binuhay nito ang isang alaala na gusto ko nang kalimutan. Pero ibang panahon yun nangyari…ibang kuwento….

Alam kong hindi ko na kailangan hingin pa ang tulong niyo sa pagdarasal….kahit sinong makakita nito ay kusang magdarasal. Kung kaya natin…kahit konti lang…bukod sa dasal…magpadala tayo ng tulong.

Ang Batang Nawala ni Nanay at ni Tiyong John!

Published December 14, 2011 by jptan2012

Medyo mahaba ang pila, pero hindi naman kainitan dahil malaming ang aircon ng Landmark sa may Trinoma.
Kahit magpapasko na eh hindi pa ako nakakabili ng regalo, pero hindi yun ang dahilan bakit ako nakapila, nakapila ako dahil sa bumili ako ng deodorant ko. Ngunit ang kuwentong ito ay hindi tungkol sa akin…ito ay tungkol sa batang nawala ng nanay niya at ng kanyang tiyuhin.

Hindi ko alam ang pangalan ng batang ito…pero babae siya at tawagin nalang natin siyang si Amapola. Bakit Amapola? Yun kasi ang pangalan ng karakter sa huling libro ni Ricky Lee na may pamagat na -SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA. Nahihirapan na rin akong mag isip ng pangalan at dahil ini-idolo ko si Ricky Lee, yun nalang ang gamiting nating pangalan ng batang ito.

Ito ang kuwento niya…

Ganda ng Barbie….
Payag kaya si Nanay na bumili ako niyan?
Sabihin ko kaya o hinde?
Kaso baka mapalo na naman ako. Mabait naman si Nanay eh, minsan lang wala ako sa lugar, mali ang tiyempo ko. Dapat kasi inaalam ko na muna kung walang problema si Nanay.
Siguro pwede kong hingiin na bili ako Barbie, kasi nandito naman si Tiyong John, eh lagi naman siyang masaya at malamig ang ulo kapag kasama si Tiyong John.
Basta huwag lang daw ipaalam kay Tatay na sa bahay si Tiyong John natutulog.
NAY, PWEDE PO BA NIYO AKO IBILI NG BARBIE? NAY… NAY….
Nasaan na siya tsaka si Nanay?!
Si Tiyong John nasaan na rin?
Naku, baka nalaman ni Nanay na pabibili ako ng Barbie! Baka nagalit siya dahil dito.
SIGE PAG NAGALIT ANG NANAY MO SAYO DAHIL INAAWAY MO AKO ITATAPON KA NALANG NIYA!
Naku baka ito ang sinasabi ni Tiyong John….
SANA MAWALA KA NA SA BUHAY MO!
ARAY PO NAY! MASAKIT PO. PATAWAD NA PO….HINDI NA PO AKO BIBILI NG CANDY. AKALA KO LANG PO KASI OK LANG PO EH….SI TATAY PO KASI PUMAPAYAG!
MALANDI KANG BATA KA! PUWES WALA ANG TATAY MO NGAYON! AT SI TIYONG JOHN MO ANG MASUSUNOD! KAYA KUNG NAGPABILI SIYA NG SIGARILYO HUWAG MONG GASTUSIN ANG PERA PARA SA SIGARILYO MO!
PATAWAD NA PO….KASI SI TATAY…
PUNYETA! WALA ANG TATAY MO! NASA SAUDI….PERO HUWAG NA HUWAG KA RIN MAGTATANGKANG MAGSUMBONG PAGDATING NIYA DAHIL HUMANDA KA SA AKIN BATA KA….ITATAPON KITA!

Tumutog ang isang alarm upang tumawag nang pansin na may announcement. Nakapila pa rin ako sa counter, ay nasa tabi ko ang isang babaeng nasa 40′s na siguro…o pwede rin naman late 30′s pero mukhang matanda lang….kasama naman niya ang isang lalaking may itsura at bata pa…siguro mga 25 to 27 years old.
CALLING THE ATTENTION OF THE PARENTS OF A LOST GIRL WEARING PINK SHIRT AND GREEN PANTS. PLEASE….
Biglang sabi ng lalaking gwapo doon sa babaeng matanda – TEKA ANAK MO YATA YUN.
Nagulat ang babaeng matanda – AY! NASAAN NA BA ANG BATANG YUN! OO NGA SIYA NGA! ANO KA BA NAMAN JOHN, BAKIT HINDI MO BINANTAYAN?!!!
ANAK MO YUN NOH! IKAW MAG BANTAY!
Hindi ko nakita ang bata, alam ko lang ang damit niya kasi yun ang naka announce sa PA system. Hindi ko rin alam ang buong kuwento niya, gawa-gawa ko lang yun sinulat ko dito. Pero ang totoo ay nasa Landmark ako, nakapila, katabi ang babaeng nasa 40s na o 30s pero baka mukhang matanda lang, at ang lalaking gwapo na mukhang nasa mid 20s lang, tapos biglang may nag announce tungkol sa batang nawawala na naka pink shirt at green short pants…tapos nalaman na nung dalawang katabi ko na yun kasama nilang bata ang batang tinutukoy sa page.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers