Tungkol Saan Ba ang “Sana Ako si Ricky Lee!”

Ito ang una kong blog post, at dapat siguro isang malalim at interesting na topic ang maisulat ko. Pero paano minsan may kababawan talaga akong tao, at ngayon pa tumama ang pagkakataon na yun?

Dapat bang hintayin ko naganahan ako tsaka magsulat ulit?

Anyway, kung tinatanong niyo kung bakit-SANA AKO SI RICKY LEE!-ang title ng blog ko eh malamang mas bihira niyo pa gamitin ang utak niyo kaysa sa akin. Kasi di ba obvious naman? Kung ko maging kagaya si Ricky Lee! OA naman kasi kung sasagarin ko at sasabihin kong gusto ko ako si Ricky Lee! Masaya naman kasi ako sa buhay ko….hmmm….oh well….siguro may halong konting pagsisinungaling yun, pero the truth is ok naman ako. Ang kulang lang ay sana mas madami akong pera, may partner ako buhay, at sana mas matalino ako, mas maganda ang pangangatawan at hidni overweight, at sana ako si Ricky Lee!

Bata pa kasi ako hilig ko nang magsulat. Kaso ang problema 4 languages ang alam ko ngayon – Mandarin, Fookien, Filipino at Ingles- ay apat pala yun. Anyway, sa dami kong pinagaaralan lengwahe nung bata pa ako at dahil na rin siguro hindi naman ako gifted child dahil parang wala pang Promil yun bata ako eh ayun, wala ako na master na lengwahe. Hanggang ngayon nga eh gulong gulo pa rin ako sa tuwing kailan gagamitin ang NG at NANG.

Bakit ba sana ako si Ricky Lee? Kasi gusto ko ang mga istoryang sinulat niya, siyempre karamihan nun ay sa pekilula, pero yun nagsimula siyang magsulat ng nobela at umibig din ako sa mga nobelang ito. Sana ako si Ricky Lee para ganyan din ang mga librong masusulat ko. Walang rules. Akala ng reader ay alam na niya ang mangyayari at ang rhythm pero biglang mababago.

Sa katunayan, yun binasa ko yun unang libro niya na – PARA KAY B – eh natakot akong umibig ulit, pero parang sira ako na at the same time ginusto kong umibig ulit. Nalungkot nga ako eh kasi wala akong lovelife. Anyway, ibang kuwento na naman yan tungkol sa love life na yan. At kahapon, yun binasa inumpisahan at tinapos ko ang pangalawang nobela ni Ricky Lee na – SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA – eh muli na naman nabuhay at nagliyab ang apoy ng aking pagnanasa na makapagsulat. Pero sa totoo lang, ngayon eh kinalimutan ko na ang pangarap kong makapagsulat ng libro o ng pelikula…blog nalang muna.

Pero sana ma-channel kong ispiritu ni Ricky Lee sa pagsusulat sa blog na ito. Pero…teka ang dami ko na yatang pero….ngunit nalang…. Ngunit hindi ko sinasabi na magiging kasing galing ko si Ricky Lee, at akin lang eh pareho niya, gusto kong magsulat ng kuwento.

Ano ba isusulat ko? Sa ngayon, kahit anong gusto ko. Take note of the operative word ha…gusto ko….two words pala. O basta yun. Alam kong taliwas ito sa idea ng blog na dapat ang nakakabasa eh ang madla. Eh kaso ganun talaga ako minsan krung krung.

Anyway, sana kahit mayabang ako eh basahin niyo pa rin pero kundi naman eh keribels na rin.

Hanggang sa muling post ko ng blog!

26 comments on “Tungkol Saan Ba ang “Sana Ako si Ricky Lee!”

  • Hi,
    Appreciate if you could notify me when your kalachakra becomes available as I would like to purchase it. Thanks

    Regds,
    Jason Wong

  • Are you referring to the Full Mantra Pandant that has the Kalachakra? Or are you just looking for a Kalachakra pendant? If you’re solely looking for a Kalachakra pendant, I have several different pieces now. I have one that’s made of crystal, and there’s one that has the Kalachakra Mandala Colored Sand and blessed by Lama Zopa Rinpoche himself.

  • SIR ! GOOD DAY PO .. alam ko pag gusto mo maging writer dapat dicipline ka…. at dapat hindi pasaway … SIR pasensya po kung nagun ko lang po ma sesend yung kwento na ginawa ko tapos hindi pa tapos ,… simula palang po yan sana po pagbigyan nyo po ako na tapusin yung gagawin ko alam ko po deserving ako may nangyare lang po kaya hindi ko po naisend kagad pero promise po deserving namn po ako alam ko po tatangkilin to.. THINK POSITIVE PO PLS PLS PO GIVE ME A SECOND TIME PLS PO

  • I stumbled into your blog today and I have learned a lot after reading about 10+ posts. You’re so generous to share your knowledge — and making it practical as well. I’ve been into feng shui for over 10 years but I do not have the patience to thoroughly understand the principles behind it. The ghost month is around the corner and I will reread your posts later. Thanks for being a blessing!

  • Hi! Naintriga ako sa titolo ng blog mo kaya ako nagawi rito. Sayang, kasi ang inaasahan ko ay makapagbabasa ako ng mga kuwento rito pero wala akong nakita (o meron ba sadyang hindi ko lang nahanap?) Anyway, may suhestiyon ako, bakit hindi mo subukang magsulat ng mga maiikling kuwento? Pansin ko naman masipag kang magsulat e, ang laking bagay na kaya nang maka-38 posts sa loob ng isang buwan. Astig ‘yon! Sige, aantabayanan ko yung susunod mong akda a! :)

  • Sa katotohan yan sana talaga ang balak ko. Pero nagkaroon ng sariling buhay ang blog na ito at naging isang Feng Shui blog. Pero minsan minsan ay nagsusulat pa rin ako ng kuwento o balita.

  • I stumble at your blog today looking for answers or how to plot 2013 fengshui year stars. I am also a BAZI and fengshui fanatics and would love to hear more from you.
    Thank you for sharing your knowledge.

  • Hi! I stumbled into your blog while looking for info about feng shui..this is a great find! Your blog is full of information, very educational, entertaining and inspiring. Thank you for sharing your ideas and talent. How do I get in touch with you if I would ask about my Bazi or my star?

  • Hi, I stumbled on your blog and is very much interested to consult with you. I also need to purchase some amulets..so please let me know by leaving me a private message on my facebook. Thank you

  • hello, nagaaral ako ng konting fengshui at medyo nagkakaroon na ako ng interes,nabasa ko mga post mo about fengshui at marami akong natutunan,gusto ko rin yung items mo,saan ba ako pwedeng bumili yan,,plssss,,,,,,,,

  • Hi! i love reading your blog & I’m a fengshui fanatic. Also im interested in your Wish Fulfilling & Buddha’s Blessing Mantra Pendant, can you email me the price so if i can’t afford it now i will have to save until i can buy it. :)

    thanks!

    Jenny

  • Hi,
    I would like to purchase WISH FULFILLING AND BUDDHA’S BLESSING MANTRA PENDANT, could you please let me know how and how much thei cost.
    Thanks
    Regards

    Ivars

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    Follow

    Get every new post delivered to your Inbox.

    Join 964 other followers

    %d bloggers like this: