‘Si Amapola sa 65 na Kabanata’ – A Book Review Daw Debut Post

Published January 2, 2012 by jptan2012

I will not attempt to do book reviews, because I know I can’t write well. Kahit pa madami akong gustong sabihin. Kaya naman this category is called ‘Book Review Daw?!’

Hindi talaga ito book reveiw kasi alam kong karamihan ng isusulat ko dito ay maikli lang at will not count for a real review.

I think it is only fitting that the first entry should be about Ricky Lee’s latest novel – SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA. Since its the book and the writer that inspired me to start my own blog – SANA AKO SI RICKY LEE!

Photo copied from Isra Mallari's blog - IT'S A NOOK IN A BOOK

Hindi ako masyado nakakapagbasa ng mga nobelang isinulat sa Filipino. Bilang na bilang mo pa lang ito – ALL LUALHATI BAUTISTA’S BOOKS (‘BATA, BATA…PAANO KA GINAWA?’, ‘DEKADA ’70′, ‘GAPO’); CUBAO na sinulat ni Tony Perez, at ‘PARA KAY B…’ na siyempre isinulat ng iniidolo kong si Ricky Lee. Dahil siguro sa bibihira akong magbasa ng Filipino novels, parang medyo hirap ako na basahin sa umpisa. parang hirap akong intindihin agad.

Pero iba ang ‘SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA’ dahil parang walang ‘transition’ na naganap. Bigla na akong hinila nito sa kuwento na pinangungunahan ni AMAPOLA isang Bading na Aswang na may multiple personality sa pagkatao ni Isaac (na brusko at sobrang macho – na imagine ko parang heartthrob) at si Zaldy (na closet queen na may pagka-nerd).

I think it will be unfair for me to summarize the story here, dahil hindi ko mabibigyan ito ng hustisya. But what’s so nice about Ricky Lee’s book ay hindi siya ordinaryong nobela, hindi siya basta kuwento, may malalim siyang sinasabi. Pero at the same time, hindi siya ‘literary snob’ na may mas malalim na kahulugan na sinasabi ang libro pero kailangan mo pa yatang maging philosopher o literature major para malaman ito. Sa librong ito matindi ang pinakitang ‘magic’ ni Ricky Lee dahil you’re entertained but at the same time kuha mo ang malalim nitong kahulugan.

Isa itong librong magpapatawa sayo ng husto pero at the same time magpapaisip. Baka yun iba diyan sumalamin pa sa buhay mo.

Dahil unang nakilala si Ricky Lee bilang isang script writer sa pelikula, hindi ko maiwasan isipin na sana maging pelikula ang – SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA. Ganun din ang naisip ko sa una niyang nobela na – PARA KAY B.

Actually, yun iba doon may artista na akong naisip.

Si NanayAngie si Cherry Pie Picache, si Homer si Jericho Rosales, si Lola Sepa lagi kong naiisip si Gina Pareno (pero teka bata pa si Lola Sepa kaya mali na si Gina Pareno ang gumanap dito) eh kung si Angel Aquino kaya(?), si Bev without an S nga eh naisip ko Marian Rivera (feeling ko baka hindi na kailangan umarte), pero hindi ko maisip kung sino gaganap na Amapola. Kawawa ang artistang gaganap na Amapola ang hirap nun noh. Mahihirapan silang kumuha ng gaganap na Amapola siguradong mapipintasan lang ito.

Sabagay, naisip ko hindi dapat gawin pelikula ang – SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA – kasi sayang ang ganda ng istorya. Paano nila ilalagay lahat ng detalye, lahat ng kulay, lahat ng emosyon sa pelikula?

About these ads

2 comments on “‘Si Amapola sa 65 na Kabanata’ – A Book Review Daw Debut Post

  • Does your blog have a contact page? I’m having problems locating it but, I’d like to send you an e-mail.
    I’ve got some suggestions for your blog you might be interested in hearing. Either way, great blog and I look forward to seeing it improve over time.

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    Follow

    Get every new post delivered to your Inbox.

    Join 824 other followers

    %d bloggers like this: